GCash users, inireklamo ang pagkawala ng libo-libong pera sa kanilang mga account

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nagreklamo ang mga user ng GCash nitong Sabado matapos silang mawalan ng libo-libong pera sa kanilang mga account dahil umano sa mga ma-anomalyang transaksiyon.

Kabilang sa mga GCash user na nagreklamo tungkol sa mga hindi awtorisadong transaksiyon ang Kapuso comedianne na si Pokwang, na nawalan ng mahigit P80,000.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi niyang halos 30 mga mobile number na hindi nakarehistro ang lumimas sa kaniyang pera.

“Ano nangyare sa registered SIM policy ngayon?” tanong ni Pokwang, na tinutukoy ang Republic Act 11934 o ang SIM Registration Act na ipinatupad upang mabawasan ang mga cybercrime.

Sa ulat naman ni Darlene Cay sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, ikinuwento rin ni Rolando Tubo Jr. na nawala ang kaniyang P90,000 para sa kaniyang mga negosyo sa loob lamang ng isang minuto sa kaniyang GCash account.

Makikita sa kaniyang transaction history na tumambad ang mahigit 40 na magkakasunod na pagpapadala ng pera.

Sa bawat transaksiyon, nakalagay na nagpadala ang kaniyang account ng tig-P1,000 sa dalawang numero. Hangggang sa P20 na lang ang natira sa kaniyang GCash.

Agad siyang nag-ulat sa GCash at Muntinlupa Police.

Ang college student naman na si Princess Joanna Lee, nagulat na nawalan ng pera ang kaniyang account, na gagamitin sana sa pagpapagawa ng kanilang bahay.

Nanawagan naman ang digital advocacy group na Digital Pinoys sa GCash na ibalik agad ang mga nawalang pera ng mga customer nito.

“This issue has been long running and it seems that despite previous complaints, it has remained unresolved. This is alarming for consumers who put their trust on e-wallet providers to secure their funds. The funds lost due to unauthorized transactions should be returned immediately,” saad ni Digital Pinoys national campaigner Ronald Gustilo.

Nanawagan din siya sa Department of Information and Communications Technology na imbestigahan ang insidente at patawan ng parusa ang GCash kung mapatunayang may kapabayaan.

“E-wallet platforms do not provide the same security as banks. Consumers should not store huge amounts of money in their e-wallet accounts as the funds are not insured, unlike those in banks,” sabi ni Gustilo.

Sinabi naman ng GCash nito ring Sabado na tinutugunan na nito ang mga pagkakamali sa pagproseso na nakaapekto sa “ilang” user, sa kabila ng mga naglabasang screenshots sa social media ng umano’y hindi awtorisadong transaksiyon sa kanilang platform.

“A few GCash users were affected due to errors in an ongoing system reconciliation process. This incident was isolated to a few users, and we assure our customers that their accounts are safe,” saad ng GCash sa kanilang pahayag.

“We have identified and reached out to affected accounts. Wallet adjustments are ongoing,” dagdag nito.

“They are going to conduct an investigation to find out if there is any commonality in their patterns. For instance, are they all active in online gaming or online gambling sites? Could it be possibly be a phishing attack instead of a breach… in the system of GCash? Kasi given the reports, kung breach ‘yan, it should be millions,” sabi naman ni DICT Secretary Ivan John Uy.

Nagbabala ang DICT sa publiko na siguruhing hindi ibibigay ang one-time password (OTP) kahit kanino.

Iwasan ding basta-basta mag-click ng mga link, at ugaliing magpalit ng passwords at mag-ulat agad sa mga awtoridad ang anumang breach o kaduda-dudang aktibidad sa mga account o mobile device. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*