‘Hello, Love, Again,’ itinanghal bilang highest grossing Filipino film of all time

Itinanghal na ang “Hello, Love, Again” nina Alden Richards at Kathryn Bernardo bilang highest-grossing Filipino movie of all time.

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Sa Instagram posts ng GMA Pictures at Star Cinema, inanunsyong tumabo na ito ng P930 milyon sa worldwide box office 10 araw lamang matapos itong ipalabas sa mga sinehan noong Nobyembre 13.

Nahigitan nito ang pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na “Rewind.”

Kamakailan lamang din, gumawa ng record ang “Hello, Love, Again” nang maging pangwalo ito sa Top 10 films sa Amerika, na unang pagkakataon para sa isang pelikulang Pilipino na mapabilang sa listahan.

Sold out din ang “Hello, Love, Again” sa 2024 Asian World Film Festival, na nagsilbing closing film sa Los Angeles, California.

Napanonood ang “Hello, Love, Again” sa 1,100 mga sinehan sa Europe, North America, Southeast Asia, at Middle East. —Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News
 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*