Lalaking nag-propose sa nobya sa ilalim ng dagat, nahulog niya ang singsing sa tuwa

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Kuwela ang naging aberya sa underwater proposal ng isang couple sa Mabini, Batangas matapos na mahulog ng lalaki ang singsing sa excitement nang mag-“I do” sa kaniya ang kaniyang nobya. Mahanap pa kaya ng lalaki ang singsing?

Sa ulat ni Oscar Oida sa “State of the Nation,” sinabing long-time dream ni Jenny Rose na maging isang sirena o mermaid samantalang si Mark naman, dream girl si Jenny Rose.

Pagkaraan ng dalawang taon nilang “in a relationship,” napagtanto ni Mark na they are “mer-maid” for each other.

Kaya naman naisip ni Mark na mag-propose kay Jenny Rose habang sumisisid sa ilalim ng dagat, na inspired sa mermaid dreams ni Jenny Rose.

Sa labis niyang tuwa, mabilis na napa-“I do” si Jenny Rose, at nakalunok pa ng tubig.

Si Mark naman na excited na isuot ang singsing kay Jenny Rose, nahulog ang engagement ring.

Kaya napalalim ang sisid ni Mark upang makuha ang singsing.

“Natatawa ako sa kaniya. Nag-yes na ako tapos siyempre, kinailangan niya akong habulin kaagad. And then ako naman medyo kinakapos na rin ako sa paghinga, dumiretso akyat na ako,” kuwento ni Jenny Rose.

Sulit naman ang kanilang underwater proposal dahil sa kanilang prenup video, natupad ni Jenny Rose ang kaniyang dream na maging mermaid kasama ang kaniyang prince.

Natupad naman ni Mark ang kaniyang dream na mapakasalan si Jenny Rose nitong Sabado. — Jamil Santos/BAP, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*