Nasawi ang isang lolo at isa niyang apo nang makulong sila sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Gulod, Novaliches sa Quezon City nitong Huwebes ng hapon.
Sa ulat ng GMA News Saksi, sinabing nagsimula ang sunog dakong 5 p.m. at umabot sa ikalawang alarma.
Natupok ang 10 bahay na nakaapekto sa tinatayang 20 pamilya.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng naturang sunog.
Samantala, nagkaroon din ng sunog sa bayan ng Gumaca sa Quezon dakong 9 p.m. nitong Huwebes.
Ayon sa Gumaca Municipal Disaster and Risk Reduction Office, nagmula ang sunog sa saing malaking bodega o warehouse.
Hanggang dakong 10 p.m., patuloy pa ring inaapula ng mga bumbero ang sunog. —FRJ, GMA Integrated News
Be the first to comment