Magpipinsan na mabilis na nagmukhang matanda pero ‘di lumaki, itinago ng pamilya sa bundok

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Magpipinsan na mabilis na nagmukhang matanda pero hindi lumaki, itinago ng pamilya sa bundok
Upang makaiwas sa pang-aalipusta ng ibang tao, at makaiwas sa gulo, itinago ng kani-kanilang pamilya ang apat na magpipinsan sa bundok dahil sa tagly nilang pambihirang kondisyon na mabilis na nagmukhang matanda pero hindi sila lumaking normal gaya ng iba.

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” ikinuwento ng guro na si Romnick Masayao, kung papaano niya aksidenteng nakita ang magpipinsan sa isang kabundukan sa Malita, Davao Occidental, noong 2021 habang nagsasagawa ng home visitation sa ibang estudyante.

Inakala noong una ni Masayao na mga bata ang kaniyang nakita sa isang bahay na kaagad nagtago nang kaniyang puntahan. Pero kinalaunan, nalaman niya na ang kaniyang mga nakita ay ang magkapatid na sina Angelo, 19-anyos na, at si Joshua, na 16-anyos.

Pero ang taas nila, wala pang apat na talampakan, at hindi sanay na makitungo sa ibang tao.
Kalahating oras mula sa bahay nina Angelo at Joshua, nakatira naman ang mga pinsan nila na magkapatid na katulad din nila ang hitsura na sina Johnro, 17,  at Erwin, 13-anyos.

Ang lugar na kinaroroonan ng magpipinsan, mararating sa pamamagitan ng pagsakay ng habal-habal o motorsiklo na dalawang oras ang biyahe. Matapos nito, panibagong dalawang oras ang kailangang lakarin.

Ayon kay Merna Madanga, ina nina Angelo at Joshua, nasa 10 hanggang 15 taon na malayo sa mata ng mga tao ang kaniyang mga anak para makaiwas sila sa gulo.

Sa apat, tanging si Angelo ang nakaranas na makapasok sa eskuwelahan. Pero anim na buwan lang siya tumagal sa pag-aaral dahil hindi niya kinaya ang pambu-bully na kaniyang naranasan.

Sinasabihan daw siya na anak ng engkanto at baka maging kamukha niya ang mga anak ng ibang tao.

“Kung hindi pa sila makontento, binabato nila ako,” sabi ni Angelo.

Upang makaiwas sa gulo, hindi na pinag-aralan ang mga bata at itinago na lang kabundukan na malayo sa ibang tao.

Sabi ni Merna, inapi ang kanilang mga anak at hindi naranasang maging masaya katulad ng ibang mga bata.

“Sobrang pait ng pagpapalaki ko sa kanila,” saad niya.

Ang ina naman nina Johnro at Erwin na si Marita, nagtataka rin kung bakit natulad sa kaniyang mga pamangkin ang kaniyang mga anak.

Kuwento ni Merna, normal naman nang ipagbuntis at isilang niya ang kaniyang mga anak. Pero may napansin siya kay Angelo sa paglipas ng panahon dahil tila mabilis ang pagtanda ng hitsura pero hindi lumalaki ang katawan at mga kamay gaya ng karaniwang mga bata.

Pare-pareho ring makausli ang pusod ng magpipinsan.

Ayon kay Merma, katulad ng isa niyang kapatid ang dalawa niyang anak. Pero ang kapatid niya, maagang pumanaw pumanaw sa edad na 30, kaya hindi niya maiwasan na mangangamba para sa kaniyang mga anak.

Nang makita ni titser Masayao ang mga bata noong 2021, hinikayat niya ang mga bata at ang kanilang mga magulang na pag-aralin sila dahil mahalaga ang edukasyon.

Nakumbinsi naman ang mga bata at ang mga magulang na pag-aralin ang magpipinsan kaya unti-unti na rin silang nasanay na may kasama na ibang tao.

Nasa ikalawang baytang o Grade 2 na ngayon ang apat.

Dahil sa kahirapan, hindi naipatingin sa espesyalista ang apat. Kaya naman tinulungan din ni titser Masayao ang magpipinsan na madala sa duktor.

Dito na nalaman na mayroon pambihirang kondisyon ang apat na tinatawag na Hunter Syndrome. Ano nga ba ang kondisyon na ito sa kalusugan at maaari pa kaya itong gamutin? Panoorin ang buong kuwento sa video.– FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*