Mahigit 100 dayuhan ang binitay sa Saudi Arabia– report

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Umabot na umano sa mahigit 100 dayuhan ang binitay sa Saudi Arabia ngayong 2024, na ayon sa isang human rights group ay nagkaroon ng malaking pagtaas. Kabilang sa mga binitay ay isang Pinoy na naharap sa kasong pagpatay.

Ang naturang bilang ng mga binitay ay mula sa tala ng international news agency na Agence France-Presse. Nitong Sabado, nadagdag sa listahan ng mga binitay sa southwestern region na Najran, KSA, ay isang Yemeni national na sangkot sa pagpupuslit umano ng ilegal na droga, ayon naman sa ulat ng Saudi Press Agency.

Ang bilang mga binitay sa KSA ngayong 2024 ay triple umano kumpara sa dami ng mga binitay noong 2023 at 2022, na nasa tig-34 na dayuhan sa nasabing mga taon, batay pa rin sa tala ng AFP.

Nitong nakaraang Oktubre, iniulat ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas, na isang Pinoy ang binitay na nahatulan ng kamatayan sa kasong pagpatay.

“The Philippine government provided legal assistance and exhausted all possible remedies, including a presidential letter of appeal. But the victim’s family refused to accept blood money in return for forgiveness of the Filipino, and so the execution proceeded,” ayon sa DFA.

Sinasabing hindi pinapayagan ng pamahalaan ng KSA na maiuwi sa kani-kanilang mga bansa ang mga dayuhang binibitay nila.

BASAHIN: Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, ‘di puwedeng iuwi sa Pilipinas

Inihayag kamakailan ng Department of Migrant Workers na mayroong 44 na Pinoy ang nasa death row sa abroad, isa rito ang ang nasa KSA.

BASAHIN: DMW: Nasa 44 Pinoy sa abroad ang nasa death row

Ayon sa Berlin-based European-Saudi Organization for Human Rights (ESOHR), binasag ng KSA ngayon taon ang kanilang record sa dami ng mga binitay.

“This is the largest number of executions of foreigners in one year. Saudi Arabia has never executed 100 foreigners in a year,” ayon kay Taha al-Hajji, legal director ng grupo.

Dahil pa rin sa pagpapatupad ng parusang kamatayan, patuloy na binabatikos ang mga human rights groups ang Saudi Arabia. Hindi umano ito magandang hakbang para makahikayat ng mga dayuhang turista at namumuhunan.

Ayon sa Amnesty International, ang Saudi Arabia ang ikatlong bansa na may pinakamaraming binitay noong 2023, na sumunod sa China at Iran.

Kabilang umano sa mga dayuhan na binitay sa KSA ay 21 na mula sa Pakistan, 20 mula sa Yemen, 14 mula sa Syria, 10 mula sa Nigeria, siyam mula sa Egypt, walo mula sa Jordan at pito mula sa Ethiopia.

Tig-tatlo naman ang binitay na nagmula sa Sudan, India at Afghanistan, at tig-isa ang mula sa Sri Lanka, Eritrea at Pilipinas.

Taong 2022 nang tapusin ng Saudi Arabia ang tatlong taong moratorium sa pagbitay ng mga sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang mga sangkot sa drug-related crimes, na nagpataas sa bilang ng mga binitay ngayong taon.

Ayon kay Hajji ng ESOHR, ang mga dayuhan ang “most vulnerable group”  na bukod sa madalas na biktima ng mga major drug dealer ay nakararanas din mga paglabag sa kanilang karapatan sa sandaling maaresto sila hanggang sa bitayin.

Hindi inihahayag ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang klase ng paraan ng pagpapatupad nila ng parusang kamatayan.– mula sa ulat ng AFP/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*