Umakyat sa 11 ang mga lugar na isinailalim sa Storm Signal No. 3 habang napanatili ng bagyong “Nika” (international name: Toraji) ang lakas nito habang tinutumbok ang lalawigan ng Aurora, na posible niyang tamaan sa Lunes ng umaga, ayon sa PAGASA.
Sa 2 a.m. tropical cyclone bulletin ng PAGASA nitong Lunes, inihayag na namataan ang mata ng bagyo dakong 1 a.m. sa layong 190 km east ng Baler, Aurora o 145 km east-southeast ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 110 km/h malapit sa gitna, at pagbugso na hanggang 135 km/h.
Kumikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 25 km/h, na may taglay na lakas ng hangin na hanggang 340 km mula sa gitna.
Nakataas ang Signal No. 3 sa mga lugar ng:
- The southern portion of Cagayan (Enrile, Solana, Tuao, Tuguegarao City)
- Isabela
- the northern portion of Quirino (Diffun, Cabarroguis, Aglipay, Maddela, Saguday)
- the northern portion of Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Quezon, Solano, Villaverde, Kasibu, Ambaguio, Bayombong)
- the southern portion of Apayao (Cervantes, Quirino, San Emilio)
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- the eastern portion of Ilocos Sur (Cervantes, Quirino, San Emilio)
- the northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)
Signal No. 2 naman sa mga lugar ng:
- Ilocos Norte
- the rest of Ilocos Sur
- La Union
- the northeastern portion of Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Sison, San Manuel, Umingan, Tayug)
- the rest of Apayao
- Benguet
- the central portion of Cagayan (Iguig, Peñablanca, Baggao, Alcala, Amulung, Santo Niño, Rizal, Piat, Gattaran, Lasam, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Allacapan, Ballesteros, Lal-Lo, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga)
- the rest of Quirino
- the rest of Nueva Vizcaya
- the central portion of Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler)
- the northern portion of Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Lupao, San Jose City)
Habang nakataas ang Signal No. 1 sa mga lugar ng:
- The rest of Cagayan including Babuyan Islands
- the rest of Pangasinan
- the rest of Aurora
- Tarlac
- the northern and central portions of Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso)
- the rest of Nueva Ecija
- Pampanga
- Bulacan
- Metro Manila
- Rizal
- the eastern portion of Laguna (Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan, Paete, Kalayaan, Cavinti, Lumban, Luisiana, Santa Cruz, Magdalena, Pagsanjan, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Pila, Victoria)
- the eastern portion of Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Pitogo, Buenavista, Pagbilao, Infanta, Lopez, Unisan, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, General Nakar, Lucban, City of Tayabas, Lucena City) including Polillo Islands
- Camarines Norte
- the northern portion of Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Caramoan, Cabusao, Sipocot, Garchitorena, Ragay, Magarao, Del Gallego, Calabanga, Bombon, San Jose, Presentacion, Lupi, Libmanan)
- the northern and central portions of Catanduanes (Pandan, Gigmoto, Bagamanoc, Panganiban, San Miguel, Viga, Caramoran, San Andres)
Sa abiso ng Department of the Interior and Local Government (DILG), inatasan nito ang mga gobernador at alkalde ng Regions I, II, III, IV-A, V, CAR and Metro Manila na “immediately suspend” ang mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan na lubhang maaapektuhan ng bagyo.
WALANG PASOK: Mga suspendidong klase sa Lunes, Nobyembre 11, 2024
Inatasan din ng DILG ang paglilikas sa may 2,500 barangays sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region.
Sa Metro Manila, sinuspinde ng MMDA expanded number coding scheme para sa Lunes. — FRJ, GMA Integrated News
Be the first to comment