Pagpapakapon sa mga alagang aso at pusa, bakit mahalaga?

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Ano nga ba ang mga benepisyo para sa mga alagang aso at pusa, pati na rin sa kanilang fur parents, kapag ipinakapon ang ating fur babies? Alamin.

Sa “Need To Know” ng GMA Public Affairs, ipinaliwanag ng eksperto na may health and behavioral benefits sa ating mga fur baby kung ipapakapon sila.

At ang maayos na kalusugan ng mga alaga, maganda rin ang magiging epekto sa kanilang fur parents.

Batay sa isang survey, lumalabas na 64% ng mga Pinoy ang may alagang hayop sa bahay. Sa bilang na ito, 45% ang may alagang aso at 17% naman ang may alagang pusa.

Neutering at spaying, ang tawag sa surgical sterilization sa aso at puso upang alisin ang kanilang sexual organs upang hindi na magka-baby.

Neutering ang tawag kapag inalisan ng testicles ang lalaking aso o pusa. Habang spaying ang tawag kapag inalis ang ovary at uterus ng babaeng aso o pusa.

Ayon sa veterinary doctor na si Nate Ramos, nakatutulong ang pagkapon sa mga alaga para mabawasan ang risk nila na magkaroon ng mga sakit gaya ng TVT o transmissible venereal tumor, na naililipat sa pamamagitan ng sexual contact.

Ganoon din ang pyometra na infection matres.

Ang mga lalaking alaga, nababawasan din ang peligro na magkaroon ng testicular cancer o tumor o prostate cancers kapag nakapon sila.

Ang mga babaeng aso, twice a year na tuwing ika-anim na buwan kung mag-“heat.” Habang mas madalas naman mag-heat ang mga babaeng pusa na every 2-3 weeks.

Taliwas naman sa paniniwala ng marami, hindi naghi-heat ang mga lalaking aso at pusa. Sa halip, nagre-response sila sa kapag in-heat ang babae, at tumataas ang kanilang kagustuhan na makipagtalik.

Ang mga risk kapag hindi hindi umano ipinakapon ay aso aso:

  • breast cancer (female dogs)
  • uterine infection and cancer (female dogs)
  • ovarian cancer (female dogs)
  • testicular tumors (male dogs)
  • prostate problems (male dogs)
  • perianal tumor and hernias (male dogs)

Maaaring din umanong magkaroon pagbabago sa ugali ng alaga gaya ng mas pagiging agresibo, at pag-alis ng bahay para maghanap ng makakatalik kapag hindi sila ipinakapon.

Kasama rin sa pakinabang kung makakapon ang mga alaga ay ang hindi pagdami ng populasyon ng mga aso at pusa na napapabayaan at napupunta na lang sa mga kalsada.

Pero ano nga ba ang mga senyales na panahon na para ipakapon ang alaga at anong organisasyon ang maaaring makatulong para maipakapon ang mga fur baby na hindi naman nabubutas ang bulsa ng kanilang fur parents? Panoorin ang buong talakayan sa video.– FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*