Paskong Quezonian 2024 lighting ceremony, pinasinayaan sa Lucena

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Binuksan nitong Biyernes ng gabi ang magarbong Christmas lights sa provincial capitol ng Quezon sa Lucena City.

Pinangunahan ng mga opisyal ng lalawigan ang countdown. Ito rin ang pagsisimula ng masayang Paskong Quezonian sa buong probinsya.

Ang pagdiriwang ay pasasalamat ng mga taga Quezon sa mga biyayang natanggap kabilang na ang hindi malaking epekto ng mga nagdaang bagyo. Kasama sa mga panalangin ng mga taga Quezon ang mga kababayan sa ibang probinsya na labis na nasalanta ng mga kalamidad.

Tampok sa Paskong Quezonian ang makukulay na pailaw. Ang garden ng kapitolyo ay nagmistulang theme park sa ganda at liwanag ng mga pailaw.

Patok din ang giant Christmas tree na may taas na apat na palapag na gusali. Gawa ito sa recycled materials. Mayroon ding tunnel of lights.

Naghandog naman ng dance number ang mga kabataang performer ng Quezon province.

Siyempre, hindi mawawala at patok na patok ang night market o tiangge kung saan mabibili ang mga espesyal na produkto na gawang Quezon. Mayroon ding mga kakanin at inumin.

Tatagal ang Paskong Quezonian hanggang January 7, 2025.

Tampok din sa pagbubukas ng Paskong Quezonian ang 29 minuto na fireworks display. —VBL, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*