Pinoy, nasawi sa car accident sa harap ng tanggapan ng konsulado ng Pilipinas sa Milan, Italy

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nasawi ang isang 71-anyos na Pinoy sa Italy dahil sa aksidente nitong nitong Sabado na nangyari sa harap ng tanggapan Philippine Consulate General sa Milan.

Ayon sa tanggapan ng konsulado ng Pilipinas nitong Lunes, bumangga sa isang poste ang kotse na minamaneho ng biktima noong Sabado ng umaga.

“According to reports, the man passed away despite efforts to save him at the hospital where he was taken following the incident,” saad sa Facebook post.

Hindi binanggit ng konsulado kung patungo ba sa kanilang tanggapan ang biktima nang mangyari ang trahediya.

Nagpaabot ng pakikiramay ang konsulado sa pamilya ng biktima na hindi na pinangalanan.

“The Consulate requests kababayan to pray for the eternal repose of the victim’s soul,” saad sa pahayag ng konsulado. —FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*