Wing van na nawalan umano ng preno, nang-araro ng 5 sasakyan sa QC; 1 patay

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Isang wing van ang nang-araro ng limang sasakyan matapos mawalan umano ng preno sa bahagi ng Batasan – San Mateo Road Biyernes ng gabi sa Quezon City. Isa ang patay.

Sa ulat ni Jhomer Apresto sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing isang 36-anyos ang nasawi na sakay ng tricycle na inararo ng wing van.

Nagtamo rin ng mga sugat at dinala sa ospital ang isa pang sakay ng tricycle.

Ayon sa tricycle driver, ihahatid niya lang sana sa fastfood restaurant ang biktima kasama ang dalawang lalaki.

Base sa imbestigasyon ng QCPD Traffic Sector 5, naunang nabundol ng wing van ang isang poste sa lugar, hanggang sa kumabig ito pakaliwa at nasalpok ang isang kotse at isang SUV, bago inararo ang tricycle.

Nasangkot din sa insidente ang isa pang kotse at isang van.

Isinalaysay ng sugatang pahinante ng wing van na nagmula sila sa Valenzuela at patungong Marikina, ngunit nawalan sila ng preno.

“Dahan-dahan naman ‘yung takbo namin, kaso talagang wala na, kahit anong tapak wala na,” sabi ni Johnny Secretario, pahinante ng wing van.

Sinabi naman ng driver ng SUV na nakarinig siya ng kalabog. Nagkasugat din ang isa sa kaniyang mga anak.

Hawak na sa ngayon ng QCPD Traffic Sector 5 ang driver ng wing van na mahaharap sa reklamong reckless driving resulting in homicide, multiple physical injury at damage to property.

Tumangging magbigay ng pahayag ang driver ng wing van. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*