1 patay, 14 sugatan sa road crash sa araw ng Pasko sa Davao de Oro

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Isang babae ang nasawi at 14 na iba pa ang sugatan matapos bumangga sa center island ang sinasakyan nilang pickup truck sa Mabini, Davao de Oro sa araw ng Pasko, December 25, 2024.

Sa ulat ni Jandi Esteban sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Miyerkoles, sinabing magkakaanak ang biktima na papunta sana sa isang beach sa Davao Oriental nang mangyari ang insidente sa Tagnanan crossing.

“Coming from Maco going to Davao Oriental, nawalan ng kontrol ang driver, binangga niya yung center island, pagbangga, tumilapon lahat sa may likod niya,” ayon kay Mabino Municipal Police Station Chief, Major Churchill Pablo Angog Jr.

Kaagad na nasawi ang babae, habang dinala sa ospital ang mga sugatan, kasama ang driver ng pickup truck.

“Pag nasa highway talaga, maintain lang ang speed yun kasi talagang sa initial na tingin, ang bilis ng takbo, yung sa mga pickup, ang likod, hindi ‘yan intended para sa tao, cargo lang dapat ‘yun, yung nangyari doon, ang dami-dami pang karga,” dagdag ng opisyal.

Posibleng maharap ang driver na kamag-anak din ng mga biktima sa mga reklamong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injury, and damage to property. — FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*