Tatlong boy scouts ang nasawi, at 12 iba pa ang nasaktan matapos silang makuryente habang nagtatayo ng tent na bahagi ng jamboree na idinadaos sa Climaco Freedom Park sa Pasonanca, Zamboanga City.
Sa ulat ni Efren Mamac sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Huwebes, napag-alaman sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), na inililipat ng boy scouts ang kanilang tent nang aksidenteng madikit ito sa live wire na dahilan para sila makuryente.
Nasawi ang tatlo sa kanila habang nagtamo ng electrical burns ang 12 iba pa pero maayos na umano ang kanilang kalagayan.
Dahil sa nangyari, kinansela na ng lokal na pamahalaan ang apat na araw sanang aktibidad na mula December 12 hanggang 15, 2024, at lalahukan ng nasa ,000 boy scouts ng lungsod.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.– FRJ, GMA Integrated News
Be the first to comment