Patay ang isang padre de pamilya, kaniyang misis, at 14-anyos nilang anak sa loob mismo ng kanilang bahay matapos pagbabarilin ng isang kakilalang hindi nila pinautang sa Camotes Islands, Cebu.
Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing binaril sa ulo ang mga biktima sa kanilang tahanan sa munisipyo ng San Francisco.
Nakaligtas ang isa nilang anak, na isinalaysay na nangungutang ang salarin sa kaniyang ina.
Gayunman, tumanggi ang ina, na nagresulta sa pagkagalit at pamamaril ng suspek na tumakas matapos ang insidente. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
Be the first to comment