3 pulis na magsisilbi ng arrest warrant vs suspek sa pamamaril, nalunod sa ilog sa Apayao

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Tatlong pulis ang nasawi matapos malunod sa ilog nang tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Calanasan, Apayao. Ang mga biktima, magsisilbi sana ng arrest warrant laban sa isang suspek sa pamamaril.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, kinilala ang mga nasawing pulis na pawang mga patrolman na si Halteric Pallat, Resty Bayog, at John Lorenzo Togay-an, Jr.

Apat pa na kasamahang pulis ng mga biktima ang nakaligtas, pati na ang bangkero.

Sumakay umano ng bangka sa Apayao river ang mga pulis noong Biyernes pero tumaob dahil sa malakas na agos ng tubig bunsod ng mga pag-ulan sa lugar.

Pinuntahan ni Apayao Provincial Police Director, Police Colonel Arnold Razote, ang burol ng tatlong pulis para makiramay sa pamilya ng mga nito at nagkaloob ng tulong pinansiyal.

Kinilala rin ni Razote ang kabayanihan ng kaniyang mga tauhan. — FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*