Patay ang pitong magkakaanak matapos bumangga sa isang puno ang sinasakyan nilang van sa Tupi, South Cotabato.
Sa ulat ni James Plecis ng Super Radyo GenSan, na iniulat din sa Balitanghali nitong Martes, sinabing dalawa sa pitong biktima ay mga menor de edad.
Nakaligtas ang driver, ngunit nagtamo ng mga sugat.
Batay pa sa ulat ng Super Radyo GenSan, sinabi ng pulisya na nagmula sa pamamasyal ang mga magkakaanak nang mawalan ng preno ang kanilang sasakyan sa bahagi ng Barangay Cebuano.
Gumamit ang driver ng handbrake bago sumadsad sa gilid ng kalsada ang van saka tumama sa puno. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
Be the first to comment