Australian na lider umano ng criminal group, huli nang mag-stopover sa Pilipinas

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

 

Isang Australian na lider umano ng criminal group at nahaharap sa higit 50 kaso ang inaresto matapos siyang mag-stop over sa Pilipinas.

Sa ulat ni John Consulta sa 24 Oras nitong Martes, kinilala ang dayuhan na si Rodrigo Elices, 32-anyos, na itinuturing isa sa wanted personalities sa Australia at pinuno umano ng grupong Hells Angels sa Australia.

Bantay-sarado ang Australian, na may posas sa kamay at paa.

Unang nadakip si Elise sa Thailand, at nabilanggo sa loob ng isang taon matapos ang paggamit ng pekeng travel documents.

Habang stop over niya sa Pilipinas bago dumating ng Australia, sinubukan niyang lumipad papuntang Turkey at pumasok na sa bansa sa huli.

“Itong taong ito ay may history ng violence. Ayaw niya ngang sumakay pabalik ng Australia. So kinailangan nating gamitan siya ng chain at handcuff upang siya ay maisakay pabalik ng Australia,” sabi ni Rendel Sy, hepe ng BI Fugitive Search Unit.

“Pinipigilan natin na kapag nag-cause siya ng commotion before the flight, maaaring hindi siya payagan ng piloto,” dagdag ni Sy.

Sinabi ng BI Fugitive Search Unit, may Interpol red notice ang Australian at nahaharap sa 55 kaso na may kaugnayan sa droga at illegal firearms.

Nasa blacklist order na ng Pilipinas ang suspek at hindi na siya papayagang bumalik ng bansa kung sakali mang makalaya.

Agad nai-deport sa Australia ang suspek. —Jamil Santos/NB, GMA Integrated News

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*