Buy now pay later scheme, ‘di dapat basta ia-avail, ayon sa isang financial expert

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Christmas shopping season is here. Kaya naman kabi-kabila na ang mga offer tulad ng buy now pay later at zero interest pa.

Kaya naman ang ginang na si RM conda na unti-unting namimili na ng mga regalo, kung minsan natutukso raw na gamitin ang kaniyang credit card.

Kuwento ni RM, “Actually lagi akong natetempt pero lagi ko lang pong iniisip yung needs sa wants so magkaiba yun dahil syempre may family ako hindi pwedeng basta kuha dito.”

Si Daryl Jade Carpiz naman minsan na raw nahirapang magbayad ng kaniyang credit card nang pagsabay sabayin niya ang pagbili ng groceries at mga damit, kaya naman ang aral sa kaniya, iwasan ang pagiging maluho.

Ayon sa financial advisor at entrepreneur na si Vince Rapisura, totoo naman na kadalasan, zero percent interest ang buy now pay later scheme, pero kailangang pag-isipang mabuti ang pag-avail nito dahil nakahihikayat ito ng overspending.

“Pinipilit ka niyang bilhin mo na ngayon yung bagay na pwede mo namang ipagpaliban pa…kasi kapag nag-buy now pay later ka, ang ginagawa actually ng nagbebenta sayo ay sinasanay nyang ikaw ay umutang, kasi kahit na zero percent yan, buy now pay later, walang patong, utang pa rin ‘yan,” sabi ni Rapisura.

Para hindi “ma-buy now pain later”, mas mainam na gamitin lang ito sa mga bagay na productive o, kumikita tulad ng mga gamit pang negosyo at kung bibili ng mga urgent na pangangailangan.

“Ang rule kasi sa pagkakaroon ng credit card ay dapat kaya mo itong bayaran nang buo kapag dumating na yung due date natin. Kung yung buy now pay later ay makuhanan mo pa ng discounts, so dalawa tinitingnan ko, dapat walang interest, at kung kaya mo pang i-push, may discount kang makukuha kapag magba-buy now pay later ka, then that’s a good deal,” sabi ni Rapisura.

Payo niya para hindi mag overspend this christmas, maging masaya sa simpleng bagay, iwasang mangutang para sa pagshoshopping, iwasang makipagsabayan o makipag-unahan sa mga trends lalo na kung mapapagastos, pagplanuhan ang paggastos at magset ng budget limit.

‘Pag consumer goods naman ang bibilhin tulad ng pagkain at damit, mainam aniya na savings ang gamitin.

Paalala niya, “Ang credit limit na binibigay, yung credit line natin sa credit cards, ito ay hindi natin pera, so hindi yan extension ng bank account natin, ang totoong pera mo ay yung pinaghirapan mo na, nandyan na sayo.” —RF, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*