Isang pamilya sa Pulilan, Bulacan ang binuksan ang kanilang tahanan sa publiko ngayon Pasko para ma-enjoy ang kanilang mga Christmas decors.
Sa Baranggay Lumbac sa Pulilan, Bulacan ay isang bahay ang agaw pansin dahil iba’t ibang makukulay at kumukuti-kutitap na pailaw ang buong bahay.
Mula sa bakura hanggang sa walkway may Christmas decor.
Favorite ng mga bata at pami-pamilyang dumarayo rito sa Pulilan Christmas House si snow man!
Isa pang favorite spot nila rito ay ang Santa figure kasama ang kanyang sleigh at reindeers
Meron din toy soldier at Christmas tree na may taas na 40 feet.
Nabawasan pa raw yan ng sampung talampakan dahil napinsala ng bagyong Kristine.
Kwento ng may-ari ng tahanan na si Emmanuel Maño, nagsimula ang lahat dahil lang sa isang nahinging Christmas lights!
“Nagsimula ako nakapulot ako sa isang junk shop nakapulot ako ng Christmas light. So, unti-unti raw nilang dinesenyuhan ang kanilang tahanan ng mga naipong Christmas lights,” saad ni Maño.
Hanggang napansin din ito ng ilang mga nagdaraan sa kanilang lugar.
Ang munting mga ngiti sa labi ng mga nakapasok sa kanilang tahanan- hatid ay saya rin para sa kanilang pamilya.
“Nag open ako since 2015, Inopen ko Ung gate kasi nakasilip sa bakod eh parang ang damot kapag ganun eh So sabi ko buksan mo Ung gate para makapasok sila. Un naman ang gusto nila mag picture picture di mo naman dapat ipagkait po Ung ganun,” kwento ni Maño sa GMA Integrated News.
Tuwang-tuwa ang inabutan namin sa pulilan Christmas House nitong Huwebes ng gabi.
Enjoy na enjoy ang mga bata sa bawat pailaw.
Dagdag Christmas feels daw talaga ang mga ganitong Christmas palamuti.
—VAL, GMA Integrated News
Be the first to comment