Dahil sa pagiging child-friendly at child-sensitive, humakot ng parangal ang ilang GMA Network programs at personalities sa Anak TV Seal awards 2024.
Wagi sa television category ang 24 oras, 24 oras weekend, Balitanghali, GMA Regional TV Balitang Bicolandia, GMA Regional TV Balitang Bisdak, GMA Regional TV One North Central Luzon at GMA Regional TV One Western Visayas.
Ang parangal, tinanggap nina GMA Senior Vice President and Head for Integrated news, Regional TV and Synergy, Oliver Victor B. Amoroso, GMA Vice President and Deputy Head for news programs and specials, Michelle Seva, Senior asst. vice president and deputy head for local sales and concurrent RTV Cebu station manager, Anne Marie Tan, at senior Asst. Vice President and deputy head for regional TV operations and concurrent RTV davao station manager Maria Angeles G. Puentevella.
Wagi rin sa TV category ang GMA Synergy’s Game on at GMA Synergy’s new heroes of the game opening ceremony at ang parangal, tinanggap nina Amoroso, NCAA season 99 management committee chairman Paul Supan at NCAA management committee member, dr. Lorenzo Lorenzo.
Panalo rin sa TV category ang iba pang Kapuso shows kabilang na ang AHA!, all-out Sundays, Amazing Earth, Born to be wild, Daig kayo ng lola ko, Family feud, i-bilib, Pepito Manaloto, Sarap di ba, The Voice generations, Tiktoklock, Biyahe ni Drew, Farm to table, Good news, i-Juander at Pinas Sarap.
Ang mga Kapuso stars na tumanggap ng award para sa iba’t ibang programang ito ay sina Kuya Kim Atienza, Christian Bautista, Stell, Mark Bautista, Allen Ansay at Maureen Larazabal.
Wagi rin bilang household favorite programs ang 24 Oras, Family feud, i-Witness, Kapuso mo, Jessica Soho, Pepito Manaloto at Pulang araw.
Nanalo naman bilang Anak TV Makabata star female para sa television category ang mga Sparkle stars na sina Barbie Forteza, Shaira Diaz at Jillian Ward.
Ayon kay Barbie Forteza, “Maraming salamat po sa inyong paniniwala na ako po ay isang magandang impluwensya sa mga kabataan at ito po ay magsisilbing inspirasyon para sa akin para patuloy na gumawa ng maganda sa mga bata. thank you.”
Ayon naman kay Shaira Diaz, “Ang naramdaman ko lang, ay, I matter pala. Napapansin pala nila yung pinaghihirapan ko, yung tinatrabaho ko, at malaking bagay itong award na ito dahil specially, kabataan eh ang mga pumili nito, mga parents, educators, young children, ansarap lang sa pakiramdam na tinitingala nila ako, na nai-inspire ko sila.”
Wagi naman bilang anak TV makabata star male para sa television category sina Alden Richards at Michael V, habang tinanghal bilang makabata hall of fame awardee naman si Drew Arellano.
Ayon naman kay Anak TV President, Elvira Yap-Go “We in the media promise you that more children program are coming in whether merong advertiser o, wala. because we have to sacrifice something para tamang programa ang maipakita natin sa mga bata.”
Ang mga programa na kinilala sa anak TV seal awards ay binoto ng libu-libong magulang at professionals bilang child-friendly at child sensitive shows na inirerekomenda para sa mga bata at pamilya. — BAP, GMA Integrated News
Be the first to comment