Konsehal ng Umingan, Pangasinan, patay sa pamamaril ng riding in tandem

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nasawi ang isang konsehal ng Umingan, Pangasinan matapos siyang pagbabarilin ng mga salarin na sakay ng motorsiklo sa Barangay Lubong.

Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, kinilala ang biktima na si Ponciano Onia, 59-anyos, na nasa kaniyang ikalawang termino bilang konsehal.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Onia ang kaniyang SUV nang tambangan siya ng mga nakatakas na salarin.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima at pumanaw sa ospital.

Nakaligtas naman ang dalawa niyang kasama sa sasakyan.

Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Pangasinan Police Provincial Office para lutasin ang nangyaring pagpatay sa konsehan.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang pamilya ng biktima.

Nagluluksa naman ang mga konsehal sa pagpanaw ng kanilang kasamahan at inilagay sa half staff ang watawat sa munisipyo. —FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*