Lalaki na kabibili lang ng kape sa tindahan, patay matapos pagbabarilin sa C-4

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Dead on the spot ang isang 24-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa bahagi ng C-4 sa Malabon City.

Ang biktima, kabibili lang daw ng kape sa tindahan nang mangyari ang pamamaril.

Ayon sa barangay, nag-iikot sila sa C-4 nang makarinig ng 2 magkasunod na putok.

Hindi raw nila ito pinansin sa pag-aakalang mga bata lang ito na naglalaro ng paputok.

Pero makalipas ang ilang minuto, isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at sinabi na isang lalaki ang nakahandusay sa kalsada.

Sa kuwento ng tatay ng biktima, nagkita pa sila kagabi ng anak dahil birthday ng bunsong kapatid nito. Kaya nagulat na lang siya nang malaman ang sinapit ng anak.

Napag-alaman naman na wala pang isang linggo nang makalaya ang biktima matapos makulong ng 6 na buwan dahil sa iligal na droga.

Ayon naman sa kinakasama ng biktima, isang hindi kilalang lalaki ang biglang tumawag sa kanya kahapon at hinahanap ang kanyang kinakasama.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman kung sino ang gunman at kung ano ang motibo sa pamamaril.

–VAL, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*