Lalaki, sugatan matapos pagsasaksakin ng kinakasama ng kaniyang dating kalaguyo

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nakaupo lang sa tapat ng kanilang bahay ang isang lalaki nang bigla siyang pinagsasaksak sa Sampaloc, Manila.

Ang suspek sa krimen, live-in partner raw ng dating kalaguyo ng biktima, ayon sa pulisya.

Base sa imbestigasyon, lulan ng isang tricycle ang suspek at bumaba malapit sa pinagtatambayan ng biktima.

Walang kaabog-abog, ilang beses niya itong inundayan ng saksak ang biktima.

Agad na tumakas ang suspek at ang tricycle driver na sinubukan naman habulin ng kapatid ng nasaksak na lalaki.

Naabutan daw nito ang driver na naghatid sa suspek na isa palang menor de edad.

Pero, agad daw dumating ang suspek at tinutukan ng patalim ang kapatid ng biktima kaya nakatakas ang dalawa.

Sa ikinasang follow-up operation, natunton sa isang sementeryo sa Sta.Ccruz ang menor de edad habang nahuli naman sa Brgy 372 ang suspek kung saan nabawi sa kanya ang balisong na ginamit sa krime

Dito na napag-alaman na ang biktima pala at ang kanyang kinakasama, nahuli niya raw na may relasyon noong nakaraang taon.

Sa kuwento niya sa mga pulis, nagawa ng kanyang asawa ang pagtataksil habang namamasukan siya bilang construction worker sa Rizal.

Nagka-ayos naman daw sila ng kanyang kinakasama ngunit tila nang aasar umano ang biktima tuwing magkakasalubong sila nito.

‘Yan umano ang nakikitang dahilan ng mga pulis sa likod ng nagawang krimen.

Sa ngayon ay patuloy daw na nagpapagaling ang biktima na nagtamonng mga saksak sa kanyang balikat at magkabilang kili-kili.

Hawak naman ng MPD Station 4 ang suspek na nahaharap sa kasong attempted murder, habang nasa kustodiya ng MDSW ang menor de edad na tricycle driver na itinuturing na kasabwat ng suspek.

–VAL, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*