Sugatan ang isang 37-anyos na babae matapos siyang saksakin ng kaniyang live-in partner na nagalit umano matapos hindi niya mabigyan ng pera para pang-inom ng alak sa Cagayan de Oro City.
Sa ulat ni Cyril Chaves sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Huwebes, sinabing nangyari ang insidente noong bisperas ng Pasko.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa na humantong sa pananaksak matapos na hindi magbigay ng pera ang biktima para makabili umano ng alak ang suspek.
Tumakas ang suspek matapos gawin ang krimen at hinahanap na siya ng mga awtoridad.
Nakalabas na ng ospital ang biktima at hihintayin ng pulisya kung sasampahan niya ng reklamo ang suspek ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act 2004.– FRJ, GMA Integrated News
Be the first to comment