Lalaking magdiriwang sana ng ika-60 kaarawan sa Linggo, patay sa bangga ng motorsiklo

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Hindi na umabot sa kaniyang ika-60 kaarawan sa Linggo ang isang lalaki sa Mangaldan, Pangasinan matapos silang mabundol ng motorsiklo. Ang anak na nasa London, may sorpresa pa sana sa kaniya.

Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, sinabing nangyari ang trahediya kaninang madaling araw sa Barangay Malabago.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na patawid ng kalsada ang biktima na si Joey Guario, nang mabundol siya ng motorsiklo na mabilis umano ang takbo.

Nagtamo ng mga sugat at bali sa katawan ang biktima, at hindi na umabot nang buhay sa ospital.

Magdiriwang sana ng kaniyang ika-60 taong karawan sa Linggo si Guario, at ayon sa mga kaanak ay sosorpresahin sana siya ng kaniyang anak na nasa London.

Nagtamo rin ng sugat ang rider ng motorsiklo pero ligtas siya at walang ibinigay na pahayag.
Ayon sa pulisya, isinailalim na sa inquest proceeding kanina ang rider. —FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*