MRT, LRT permanent extended operating hours, hiling ng ilang komyuter

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Maagang pamasko para sa mga commuter ang extended operating hours ng MRT at LRT na magsisimula sa susunod na linggo. 

Hakbang ito para matugunan ang inaasahang dagsa ng mga pasahero ngayong holiday season. 

Para sa ilang nakausap ng GMA Integrated News, ginhawa ang dulot ng mas mahabang oras ng biyahe sa LRT. 

“Mas convenient siya. Hindi ka maha-haggard sa oras,” ani William Reyes. 

Para sa mag-aaral na si Vincent Mendoza, makatutulong ito lalo na kapag may lakad siya o pupuntahan ngayong panahon ng Pasko. 

Pero hindi lang sa LRT ang extended operating hours. 

Sa MRT-3, extended ang oras ng biyahe mula Dec. 17 hanggang 23. 

Bawas oras naman ang biyahe ng MRT-3 sa Dec. 24 at 31, at adjusted ang operations nila sa mismong Pasko at Bagong Taon. 

Magsisimula sa Dec. 20 ang mas late na huling biyahe sa LRT-1. 

Sa LRT-2 naman, extended ang biyahe ng mga tren Dec. 17 pa lang. 

Ang mga komyuter, Christmas wish na araw-arawin na lang daw ang extended hours sa MRT at LRT. 

“Mas maganda araw-araw kasi minsan kasi nago-overtime ‘yung iba. Kailangan nila mas higit na oras sa ano,” ani Reyes. 

Para kay Ella Villagracia naman, mas mainam na maging permanente ang extended hours sa biyahe ng tren dahil “sa sobrang traffic.” 

Pero ayon sa Department of Transportation, maaaring malagay sa alanganin ang kakayahan ng kanilang maintenance team na magsagawa ng kinakailangang checks at repairs.

Ayon sa MRT, ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero ang pangunahin nilang inaalala. 

Hindi raw puwedeng isakripisyo ang mga kailangang gawin na maintenance sa MRT. 

Wala pang tugon ang pamunuan ng LRT tungkol dito.—AOL, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*