Tatlumpung pamilya sa Tondo, Maynila ang nawalan ng tirahan sa mismong araw ng Pasko dahil sa sunog.
Ang masaya sanang pagdiriwang ng Pasko ng mga residente ng Pilapil Street sa Tondo, Maynila ay napatigil pasado alas nueve ng Miyerkules.
Ang senior citizen naman na si Rogelio Minguez, muntik pa daw ma-suffocate sa loob ng kanilang bahay kung saan mismo nagsimula ang sunog.
“Nagising ako umuusok na… Ginawa namin, pumunta kami kela kagawad, dun kami tumalon, tapos dun kami umano sa ano, nasugatan pa ko oh,” sabi ni Mang Rogelio.
Ang iba sa mga nasunugan at walang naisalba na kahit anong gamit.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), hindi sila gaanong nahirapan sa pag apula sa apoy na umabot lamang sa unang alarma
Malaking bagay din daw na marami pang tao sa labas nang maganap ang sunog
“Mabilis po naitawag eh, kasi maraming tao, may handaan, nakita nila agad naireport agad then naaksyunan agad,” sabi ni Ronald Lim, Station-1 Commander ng Manila Fire District.
Ayon naman sa barangay, aabot sa tatlumpung pamilya ang nawalan ng tirahan kasunod ng nangyari.
Mananatili daw muna ang kanyang mga residente sa covered court ng barangay.
Patuloy naman na iniimbestigahan ng BFP kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Pinaalalahan naman nila ang publiko ilang araw bago ang salubong sa bagong taon.
“Iwasan po natin na gumamit ng anumang paputok eh gamitin na lang po natin yan sa panghanda natin sa pagkain sa mga bahay,” sabi ni Lim.
—VAL, GMA Integrated News
Be the first to comment