Ginamit ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. ang kaniyang veto power para tapyasin ang P194 bilyon sa P6.326 trilyong panukalang budget para sa 2025 nang pirmahan niya ito nitong Lunes upang maging ganap na batas.
Ginawa ang pagpirma sa 2025 budget sa Ceremonial Hall of Malacañang Palace na dinaluhan ng ilang mambabatas at miyembro ng Gabinete.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Marcos na pag-veto niya sa mahigit P194 bilyon na halaga sa line items na hindi naaayon sa programa ng administrasyon, kasama na ang ilang programa sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
”We take our role as stewards of our taxpayers’ money seriously. And for this reason, after an exhaustive and thorough review, we have directly vetoed over 194 billion worth of the line items that are not consistent with our programmed priorities,” ani Marcos.
”These include allocations for certain programs and projects of the Department of Public Works and Highways, and those under the Unprogrammed Appropriations, which increased by 300%,” dagdag niya.
Sinai pa ni Marcos na ipatutupad ng gobyerno ang kondisyunal na implementasyon sa ilang programa upang matiyak na magagamit ang mga pondo ng bayan alinsunod sa kanilang awtorisado at makasaad na layunin.
”Specifically, to ensure that government assistance is not merely a provisional solution to a persistent issue, we are compelled to subject the implementation of the Ayuda sa Kapos ang Kita Program or AKAP to the convergence efforts of the DSWD, DOLE (Department of Labor and Employment), and NEDA (National Economic and Development Authority),” ani Marcos.
”This way we ensure that its implementation will be strategic leading to the long-term improvement of the lives of qualified beneficiaries, while guarding against misuse, and duplication, and fragmented benefits,” dagdag ng pangulo.
LIST: Line items vetoed, programs put in conditional implementation under 2025 GAA
Una rito, nagpahayag ng pangamba ang ilang mambabatas sa ilang probisyon sa 2025 General Appropriation Bill, matapos talakayan at aprubahan ang pinal na bersiyon na ginawa ng bicameral conference committee.
Kabilang sa mga pinuna ng ilang mambabatas ang P26-bilyon pondo sa kontrobersiyal na Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP, ang pagbawas sa pondong inilaan sa Department of Education (DepEd)–na dapat ay may pinakamalaking alokasyon sa lahat ng kagawaran batay sa itinatakda ng Saligang Batas– at ang zero subsidy sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sa pinirmahang GAA, sinabing umaabot sa P1.055 trilyon ang inilaan sa education sector, kabilang ang DepEd at iba pang education offices, kumpara sa P1.007 trilyon sa DPWH.
”Titiyakin namin na mananatiling prayoridad ang social services, kasama na rin diyan ang edukasyon, ayon sa mandato ng ating Saligang Batas, pati na rin ang kalusugan,” ayon kay Marcos.
Nanatiling zero naman ang subsidiya sa PhilHealth, na ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, ay may sapat na pondo pa rin naman sa 2025.
“My understanding is that Congress did that because the budget for… the corporate operating budget of PhilHealth is sufficient. So, they have reserved funds of roughly 280 billion [pesos]. They have a surplus of roughly a hundred fifty billion, the last time I looked at it,” paliwanag ni Recto sa briefing matapos ang pirmahan.
“They have investments of more than 400 plus billion [pesos]. They will earn 200 billion in 2025. They will spend 150 billion. So iyong surplus nila, madadagdagan na naman ng 50 billion iyan. So, they have adequate resources,” paliwanag pa niya.
Sa isang pahayag, sinabi ni dating senador Ping Lacson, na P26.065 bilyon lang mula sa P288 bilyon na “congressional insertions” ang tinapyas sa pinirmahan budget.
Idinagdag niya na, “education is still not ‘assigned the highest budgetary priority’ contrary to Article XIV Sec 5(5) of the 1987 Constitution.”
“That being said, Malacañang may already be preparing for any constitutional challenge that may arise from this – both before the Supreme Court and the court of public opinion,” ayon kay Lacson. — mula sa Anna Felicia Bajo/FRJ, GMA Integrated News
Be the first to comment