Inilahad ni Rayver Cruz na mahihirapan siya pagdating sa pagbibigay ng second chances sa pag-ibig. Ngunit si Jasmine Curtis-Smith, mas bukas naman dito.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, tinanong ang mga bida ng Kapuso series na “Asawa ng Asawa Ko,” na mag-iisang taon na sa Enero, tungkol sa cheating o pagtataksil.
“Emotional or physical investment in another person [outside of your relationship],” sabi ni Jasmine.
“Pagka hindi ka ganu’n ka-contented pa sa kung ano ang meron ka, hahanapin mo sa ibang tao. And then hindi buo ‘yung loob mo na aminin sa current partner kaya nagkakaroon ng hulihan or cheating,” para naman kay Rayver.
“Para kasi sa akin Tito Boy ibig sabihin hindi ka pa talagang committed na ibigay ‘yung lahat, i-invest ‘yung lahat sa taong napili mo na. ‘Yung sobra na ‘yon na kaya mo pang ibigay sa iba, or doon dapat sa napili mo na, kahit boyfriend status pa lang, kung papunta na rin kayo dapat doon, doon mo i-invest ‘yung time na magkausap kayo, lahat ng problema mo,” pagsegundo ni Jasmine.
“Kumbaga the person you have the safe space with, hindi mo na mahahanap ‘yon sa iba kung nagagawa mo na ‘yon with your current partner,” sabi pa ng aktres.
Si Rayver, sinabing “todo” siya kung magmahal, kahit pa maging “sugatan” o masaktan ang kaniyang puso.
“That’s the beauty of it naman eh. You learn from that naman kapag nangyari ‘yun,” na sinabing buong buo siya kung magmahal sa isang tao.
“Ako kasi ang thinking ko ‘pag naging karelasyon ko na ‘yung isang tao o girlfriend ko na ‘yung isang tao, ito na ‘yon hanggang pagtanda ko,” ani Rayver.
Dahil dito, tinanong ni Tito Boy ang dalawa kung naniniwala sila sa second chances.
Si Rayver, sinabing “sacred” sa kaniya ang isang relasyon kaya mas mabuti ang isang bukas at tapat na pakikipagkomunikasyon ng isang couple.
“For me Tito Boy, hindi pa. Alam ko kasi iba ‘yung kapag family man ka na, husband and wife, different story ‘yan with kids. Pero for now, parang, mahirap mag-second chance. Sacred kasi ‘yan for me. Kumbaga, importante rin sa akin na nag-uusap talaga, honest tayo,” ani Rayver.
“Mas matatanggap ko pa kapag naging honest na lang. Masakit pero at least nag-uusap tayo, naging honest ka na hindi talaga kaya or may nagustuhan kang iba. Mas okay po ‘yung ganu’n, kaysa ‘yung masakit talaga kasi pagka nalaman mo,” dagdag niya.
Ngunit si Jasmine, ikinuwento ang kaniyang karanasan kaya kinokonsidera niya ito.
“Ang hirap sagutin ng second chances. Pero sa tingin ko, kasi siguro I grew up with parents that were separated. I always kind of hoped for a second chance for my parents,” sabi niya.
“Up to this day, even though I’m grown up and they are living their own lives with their partners, meron pa ring ganu’n (kaunti) na natitira. [Damdamin ng] anak ang umiiral,” dagdag ni Jasmine.
“Pero hindi ko alam kung bilang girlfriend or as a wife, if this happened to me, I could process it. But I would like to try. I think I’m the type of person who would like to try a second chance,” sabi niya. — BAP, GMA Integrated News
Be the first to comment