Bagong Taon, bagong oportunidad din ang 2025 para sa mga tao na gustong sumubok na magnegosyo kahit nasa bahay lang. Anu-ano nga bang home-based businesses ang papatok ngayong taon?
Sa programang Unang Hirit nitong Biyernes, ipinaliwanag ni Joseph Emmanuel Ang, isang business consultant, ang kagandahan ng mga home-based businesses.
“Unang-una, sobrang low cost niyan, meaning mababa ‘yung puhunan na kailangan mong gawin. Tapos puwede kang mag-trial and error, masisimulan mo siya at the comfort of your home,” sabi ni Ang.
Bukod sa mas kaunti ang gastusin, agad-agad ding masusubukan ang home-based businesses kahit magsimula lang muna sa inyong lugar
BASAHIN: Zodiac signs na ‘suwerte’ at dapat na ‘mag-ingat’ ngayong 2025, alamin
“Wala kang rent, wala kang masyadong utilities. Tapos puwede mo siya agad ma-test sa paligid lang ng bahay mo. ‘Friend, baka puwedeng i-try niyo itong produkto namin,'” sabi pa ni Ang.
Ngunit paalala ni Ang sa mga nais pasukin ang pagnenegosyo, dapat na sobrang gusto itong gawin ng isang entrepreneur dahil kailangan itong tuloy-tuloy o consistent na gagawin, at araw-araw.
Inilahad ni Ang ang mga home-based na negosyong patok sa 2025.
“Tulad ng consumable items like food, sobrang okay ‘yan, kasi nga people buy consistently. Lalong papasok consistently ang pera natin,” pahayag niya.
Papatok din ang mga negosyong ginagamitan ng artificial intelligence o AI.
“Sa mga bahay, puwede kang gumawa ng mga service businesses na you’re helping businesses using artificial intelligence or AI,” sabi pa ni Ang.
“Patok pa rin naman ang health and wellness. Pero ang importante lang sa health and wellness, kailangan meron siyang integration ng technology tsaka social media. Kasi nga willing ang mga tao na magbayad para ma-extend ang buhay nila, mapaganda ‘yung mukha, lahat ‘yan,” dagdag pa niya.
Panoorin sa video kung papaano ginagawa sa bahay ang negosyong potota chips na may flavour gaya ng tsokolate. — FRJ, GMA Integrated News
Be the first to comment