Bata, sugatan sa mata nang silipin ang luces na ‘di agad nagsindi sa Maynila

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Ilang biktima ng paputok ang dinala sa Tondo Medical Center sa Maynila pagkatapos salubungin ang 2025. Ang isa, nawasak ang kamay, habang may bata na nasugatan sa mata nang silipin ang luces na hindi kaagad nagsindi.

Sa ulat ni Sandra Aguinaldo sa GTV Balitanghali nitong Miyerkules, sinabing umakyat sa 39 ang dinala sa naturang pagamutan pagkalipas ng pagsalubong sa bagong taon.

Malaki umano ang itinaas nito mula sa pitong kaso ng mga biktima na naitala lamang nitong Martes. Karamihan umano sa mga biktima ay nagtamo lang ng minor injuries.

Ang isang lalaki na nakainom ng alak, kailangang putulan ng kamay na nawasak matapos masabugan ng paputok.

May isang lalaki rin ang nasugatan sa bibig matapos maputukan ng kuwitis, habang sa mata naman ang tama ng isang bata na tinamaan ng luces.

Ayon sa ama ng bata, hindi umano kaagad sumindi ang luces kaya sinilip ito ng kaniyang anak, na nagkataon naman na biglang sumindi.

May pasyente rin na dinala sa ospital matapos masangkot sa road accident, at nakapagtala rin ng isang kaso na biktima ng tama ng ligaw na bala.

Sa pulong balitaan kaninang umaga, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na tumaas sa 27 ang kaso ng ilegal na pagpapaputok ng baril kaugnay sa pagsalubong sa bagong taon.

Hanggang kaninang 6 a.m., sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na 21 katao ang inaresto matapos magpaputok ng baril.

Sa naaresto, isa ang pulis, isa ang security guard, isa ang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor), at 18 ang sibilyan.

Sa naturang mga kaso, siyam ang mula sa Calabarzon; tig-tatlo sa National Capital Region at Western Visayas (3 cases each); dalawa sa Northern Mindanao.

“Maliban po sa 21 na aresto ay may pito po tayong at-large na suspek bagamat sila’y identified,” ayon kay Fajardo.

Tatlo ang tinamaan ng ligaw na bala na mula sa NCR, Central Luzon, at Zamboanga Peninsula, na pawang “out of danger” na, ayon sa PNP.

“‘Yung tatlong reported injured as a result ng stray bullet ay nadala naman po ito sa hospital at nalapatan po ng lunas. So, out of danger na po sila as reported to us,” sabi ni Fajardo.

Samantala, mayroon namang 87 na biktima ng paputok ang dinala sa Dr. Jose R Reyes hospital sa Maynila, na 70 ay isinugod sa pagamutan sa nakaraang magdamag.

Sa naturang bilang, 10 ang kailangang putulan ng daliri o kamay matapos malasog dahil sa tindi ng pagsabog ng paputol.

May 11 pasyente rin umano na biktima ng paputok ang dinala sa Philippine General Hospital. —FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*