Ilang negosyo na ginagamitan ng talento at sining, panalo ang kita

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Napakinabangan ng ilang Pinoy ang kanilang sining at angking talento upang gawing negosyo. Nailalabas na nila ang kanilang hilig, kumikita pa sila. Balikan ang natatangi nilang diskarte gaya ng gumagawa ng gown mula sa recycled materials.

Sa programang “Pera Paraan,” binalikan ang recycled gowns ng 54-anyos na si Nora Buenviaje, na ilang dekada nang mananahi.

Gawa ang kaniyang mga gown mula sa lumang magazine, dyaryo, sako, foil, bubble wrap at mga pinagtabasang tela.

Umaabot ng P1,500 hanggang P5,000 ang benta ni Buenviaje sa recycled gowns, depende sa materyales na gagamitin, kabilang ang mga bagay na patapon na.

Ayon kay Buenviaje, halos P40,000 a month ang kanilang neto.

Samantala, lumilikha rin ng makukulay na obra ang 30-anyos na si Jeremiah Zaraspe mula sa mga sinulid, yarn at pako.

Matiyaga at mabusisi ang paggawa ni Zaraspe ng iba’t ibang imahe, mula sa pagpili ng kahoy at paglalagay ng mga pako.

“It’s a good opportunity po para sa amin na ma-introduce ‘yung string art. Wala pang masyadong gumagawa po dito sa bansa natin,” sabi ni Zaraspe.

Sinubukan ni  Zaraspe ang string art na nakita niya online sa pamamagitan ng basic patterns.

Pinakapatok sa string art ni Zaraspe ang face portraits sa kaniyang market. Ang imahe ni Zaraspe ni Susan Enriquez, naka 4,500 na loops ng sinulid.

Itinampok din ang negosyong figurines na gawa sa polymer clay ni Meeka Marisol.

Hindi malaki ang puhunang kailangan sa negosyo ni Marisol na P3,000 hanggang P3,500 lamang, kasama na ang gagamiting oven na isang maliit na oven toaster.

Kumikita ito ng P20,000 hanggang P40,000 kada buwan, at umaabot pa ng six digits kapag Christmas season.

Nakatatakam man, ngunit hindi talaga totoong dessert ang scented candles na negosyo ng 25-anyos na tubong Tarlac na si Danielle May Doria.

“Ang market ng candles, napakahirap po siyang ibenta. So kailangan maging unique and mas cute siya para makuha natin ‘yung target market natin,” sabi ni Doria.

Dating pharmacist si Doria, ngunit naging full-time negosyante. Ayon sa kaniya, ‘di hamak na mas malaki ang kinikita sa pagnenegosyo kumpara noong nagtatrabaho pa siya.

Kumikita si Doria ng five digits sa isang ordinaryong buwan, at six digits kapag nasa peak season.

“During November to December, inaabot po kami ng 2,000 to 3,000 pieces. Kapag kami nakuha pong big client, umaabot po ng 3,000 to 4,000 pieces po,” sabi niya.

Hindi rin magpahuhuli ang magkapatid na sina Steph at Sally Macayan na may negosyong pagrerenta ng phone.

Malakas ang phone rental, lalo pagdating sa mga concert.

Nasa P2,500 hanggang P3,000 ang renta ng bawat cellphone kada araw, at depende rin ang rate nila sa mga lugar kung saan gaganapin ang concert o event.

Maliban sa unit, may kasama na itong phone case, pouch, OTG o on-the-go adapter at power bank.

May singil namang P200 kada oras kung late na maibabalik ang cellphone pagkatapos ng grace period.

Non-refundable ang reservation fee na P1,000 kung ikakansela ang transaksyon dalawang araw bago ang event o concert. — FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*