Karambola ng truck, van, at kotse sa EDSA, 10 nasaktan

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nasangkot sa karambola ang truck, van, at kotse sa northbound ng EDSA paglampas ng Dario Bridge sa Quezon City bandang 3:30 a.m.

Natanggal ang bumper at nabasag ang headlight ng dump truck.

Sa lakas ng pagkakabangga nito, nabasag ang salamin sa likurang bahagi ng van. 

Tinumbok naman ng van ang nasa unahan nitong kotse.

Sakay ng van ang sampung miyembro ng medical team na galing sa deployment nila sa Traslacion ng Poong Nazareno sa Quiapo at pauwi na sa Caloocan. 

Anim sa kanila ang nasaktan na dinala sa ospital.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nakahinto ang kotse at van sa u-turn slot nang mabangga sila ng truck. 

“Pa-u-turn sila kasi naka-stop. Ito namang truck driver hindi napansin nakaidlip daw kaya hindi napansin na may sasakyan sa unahan kaya nadali sila,” ani Lara May Nadayao, isa sa MMDA traffic enforcers na rumesponde sa aksidente.

Galing ang truck sa Pasig at mag-de-deliver ng panambak sa Bulacan.

Sabi ng truck driver, nakaidlip siya habang nagmamaneho: “Napaidlip ako hindi ko na napansin nakatigil na yung sa harap ko. Mabagal lang pero mabigat kasi karga.”

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng QCPD Traffic Sector 6.

–VAL, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*