KWF, hinikayat ang publiko na lumahok sa kanilang patimpalak na ‘Tula Tayo 2025’

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Hinikayat ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang publiko na sumali sa “Tulâ Táyo 2025,” isang online na patimpalak para sa mga tulâ gaya ng Diyóna, Dalít, o Tanagà, na may kaugnayan sa temang “Paglingon sa Panitikan ng Rehiyon sa Pagpapabulas ng Panitikan ng Nasyon” para sa Buwan ng Panitikan 2025.

Mga alituntunin:

1.     Ipapaskil/ilalagay ang mga tulâ— Diyóna, Dalít, o Tanagà—sa google form link na nakapaskil sa nakatalagang poster ng bawat anyo ng tulâ. Susundin ang sumusunod na iskedyul para sa pagpapaskil:

  • Enero 20-31, 2025 para sa Dalit
  • Pebrero 3-14, 2025 ang Diyona
  • Pebrero 17-28, 2025 ang Tanaga

2. Magiging opisyal ang mga lahok kapag ipinasok sa google form link na matatagpuan sa Facebook page ng Komisyon sa Wikang Filipino. Nása ibaba ang mga link:

 

Dalít: https://forms.gle/LqxRhLyG2JaAhXNC6

Diyóna: https://forms.gle/raGYeGXp68qSqr8K9

Tanagà: https://forms.gle/1uBLR7vsAssg88tEA

 

3. Tatanggap ng mga orihinal na tulâ na nakasulat sa wikang Filipino at nása antas tudlikan. Maaaring paksain ng mga tula ang “Paglingon sa Panitikan ng Rehiyon sa Pagpapabulas ng Panitikan ng Nasyon” at/o ang tema ng Buwan ng Panitikan ng Pilipinas 2025.

4. Tatanggap ng isang libong piso (PHP1,000.00) ang unang sampung magwawagi sa bawat anyo at sertipiko. Ipapaskil sa KWF Facebook page at website ang mga magwawagi sa bawat anyo ng tula.

5. Pinal at hindi na mababago ang magiging pasiya ng mga hurado ng timpalak.

–Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*