Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa mismong araw ng bagong taon sa Pasay City.
Ayon sa pulisya, pasado ala una y’ medya ng hapon ng Miyerkules nang maganap ang krimen. Base sa imbestigasyon, kalalabas lang ng bahay ng trentay siyete anyos na biktima.
Habang naglalakad daw siya sa bahagi ng Pag-asa, E. Flores street bigla siyang nilapitan ng gunman at pinagbabaril.
Mabilis naman nakatakas ang suspek.
Patuloy pa ang hot pursuit operation laban sa suspek at patuloy din na inaalam ang motibo sa pamamaril. Nakatakda naman isailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima.
–VAL, GMA Integrated News
Be the first to comment