Lalaking hubo’t hubad, pumapasok sa mga bahay sa isang barangay sa Cotabato

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Hindi makatulog nang mahimbing ang ilang kababaihan sa isang barangay sa President Roxas sa Cotabato, dahil sa isang serial manyak na pumapasok sa mga bahay nang walang saplot sa katawan at may takip sa mukha tuwing kailaliman ng gabi. Sino kaya ang lalaki at mahuli na kaya siya?

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” sinabing nakatanggap ng mensahe ang programa mula sa residente sa Barangay Labu-o upang ipaalam ang tungkol sa serial manyak na mahigit 20 na umano ang pinasok sa bahay at hinipuan pero nananatiling malaya.

Ang hubo’t hubad na suspek, kung minsan ay nagsusuot ng bonnet kaya mata lang ang makikita, o kaya naman ay hinihinalang nagsusuot ng wig kaya mahaba ang buhok kaya hindi rin makita ang mukha.

Nagagawa umano ng serial manyak na makapasok sa mga bahay dahil marami umano sa mga bahay sa naturang barangay ang ginagawa pa, o kaya naman ay walang pader, o gawa sa light material ang mga pintuan.

Ang isa mga biktima na itinago sa pangalang “Hope,” sinabing naalimpungatan siya dakong 4:00 am nang makaramdam siya na may humawak sa kaniyang mukha at humalik.

Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, nakita niya ang hubo’t hubad na suspek na may bonnet sa mukha, at sumesenyas na huwag siyang maingay.

Gayunman, sumigaw siya at humingi ng tulong kaya lumabas ang mga kasama niya sa bahay pero mabilis umanong nakatakas ang suspek.

May magkapatid na babae rin na pinasok sa bahay ang suspek at tinabihan sa higaan at niyakap ang isa sa kanila.

Mabuti na lang at nagising ang kanilang lola na iihi noon kaya nakita nito ang suspek na mabilis ring nakalabas ng bahay.

Isang babae rin ang pinasok ng suspek sa bahay, at nagsisigaw din ang biktima kaya sinaklolohan ng ina.

Pero sadya umanong mabilis ang suspek at nakatakas pa rin.

Dahil sa insidente, gabi-gabing nagroronda ang mga tanod ng barangay na hindi kayang maglagay ng mga CCTV camera sa lugar dahil sa mahirap lang ang barangay.

Ipinaliwanag din ng kapitan ng barangay na si Josel Viterbo, na malaki ang kanilang lugar kaya hindi rin nila kayang maikutan ang lahat ng kanilang nasasakupan sa loob ng magdamag.

Nahihirapan din ang mga awtoridad na matukoy kung iisang lalaki lang ba ang serial manyak dahil na rin sa magkakaiba umano ang disripyon na ibinibigay ng mga biktima.

Pero sa katabing barangay na Del Carmen, isang lalaki ang nahuli-cam na nagtanggal ng saplot sa katawan at nagsuot ng bonnet.

Siya rin kaya ang serial manyak na umaatake sa barangay Labu-o, at mahuli na kaya siya? Tunghayan sa video ang buong kuwento ng “KMJS.” Panoorin. — FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*