Lalaking may kapansanan sa binti, malunod sa beach sa Binmaley, Pangasinan

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Napalitan nang lungkot ang masaya sanang pagdiriwang ng Bagong Taon ng pamilya Mamaril sa Pangasinan nang malunod ang isa nilang kaanak na putol ang isang binti sa Binmaley Beach.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, kinilala ang biktima na si Franklin, 45-anyos, na ayon sa isang kaanak ay marunong namang lumangoy kahit may kapansanan.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Eric, kasama nito noon ang kanilang anak at tatlong pamangkin nang maligo sa beach noong Miyerkules.

Ngunit pagkaraan ng ilang oras, bumalik ang isa sa mga pamangkin at sinabing nalulunod ang kanilang tiyuhin.

“’Maliligo ako,’ sabi niya… kasama ‘yung anak tapos tatlong pamangkin, pumunta sila, hinayaan ko lang. Mga isang oras, bumalik ‘yung pamangkin namin. Ang sabi niya, ‘Tito, nalunod si Tito,’” saad ng ni Eric.

Napalayo umano ang biktima dahil na rin sa malakas na alon sa dagat.

Isinugod ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa ospital ang biktima pero idineklara siyang dead on arrival.

“Pagdating doon sa LDH, sabi ng doktor, 7-10 minutes na patay na ‘yung pasyente,” sabi ni Armenia Delos Angeles, Binmaley MDRRM Officer.

Ayon sa kaanak, marunong lumangoy ang kanilang kapatid kahit putol ang kanang binti nito.

“Masakit sa amin din. Bagong taon, wala na siya. Nalulungkot kami. Masakit din sa pamilya namin na nawalan kami,” sabi ni Eric.

Iniulat ng Pangasinan ang siyam na insidente ng pagkalunod ang kanilang naitala mula Disyembre 31, 2024 hanggang Enero 1, 2025. Tatlong mga kaso ang naitala sa Lingayen; dalawa sa Bolinao; at isa sa Binmaley, Mabini, San Fabian, at Dagupan City.

Nagbabala ang mga awtoridad sa publiko tungkol sa paglangoy sa dagat, lalo na kung malakas ang alon na posibleng magdulot ng panganib.– Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*