Motorsiklo, bumangga sa truck matapos na may bumaril sa rider; angkas niyang babae, patay

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Bumangga sa isang nakaparadang truck sa gilid ng daan sa Tondo, Maynila ang isang motorsiklo matapos na may bumaril umano sa rider. Nakaligtas ang rider pero hindi ang angkas niyang babae.

Sa ulat ni Johmer Apresto sa GMA News 24 Oras Weekend nitong Linggo, sinabing nangyari ang insidente noong madaling araw ng December 30, sa Agora Street.

Nakaligtas ang rider na nagtamo ng tama ng bala sa balikat, pero hindi pinalad ang kaniyang angkas na babae na nasawi dahil sa pagkakabangga nila sa truck.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing nagkakilala ang rider at ang babae sa isang bar. May kasama pang isang babae ang nasawing biktima.

Ayon sa live-in partner ng nasawing biktima, nagpaalam ito sa kaniya na dadalo sa birthday party ng kamag-anak, at lalabas din kasama ang kaibigang babae.

“May nagpakilala daw na dalawang lalaki na maki-join, pero tinanggihan nila kasi ‘di mapagkakatiwalaan ang hitsura. Tapos, may isang lalaking lumapit na driver ng motor, at siya ang tinanggap nilang makainuman,” ayon sa partner ng babae.

Nang uwian na, wala umanong masakyan ang babae at kaibigan kaya nag-alok ang rider na ihahatid na lang sila.

Pero habang binabagtas nila ang Rodriguez Street, napansin umano ng kaibigan ng babae na may sumusunod sa kanila. Sa takot, tumalon ang naturang kaibigan sa C3 Road, habang nagpatuloy sa pag-arangkada ang motorsiklo hanggang mangyari na ang pamamaril sa panulukan ng Agora Street.

Dahil sa tama ng bala, nawalan ng kontrol sa motorsiklo ang rider na biktima kaya bumangga sa truck, na ikinasawi ng angkas na babae.

Naniniwala ang pamilya ng babae na ang rider ang target ng salarin. May person of interest umano ang awtoridad habang patuloy pa ang imbestigasyon.— FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*