Tips para makamit ang financial goal ngayong 2025, alamin

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nagbigay ng payo ang isang financial literacy advocate para sa mga taong nais makapag-ipon ng pera ngayong taon.

Si Dominic Nona, planong mag-ipon ngayong taon para sa kaniyang pagbabalik sa kolehiyo.

Para magawa niya ito, ima-manage daw niyang mabuti ang kaniyang income.

Ilalaan umano niya ang 50%  sa kaniyang mga gastusin, 30%  para sa ipon, at 20% ang ilalaan sa kaniyang “luho” o nais na bilhin o gawin.

Ang makabili naman ng dream motorcycle ang nais pag-ipunan ni Aldrin Bumiltac,  at makapagtabi bilang emergency funds.

“May nakita po akong ipon challenge sa Tiktok so binili ko po yung notebook po siya eh so, balak ko po maghulog doon P1,000 kada cut-off,” ayon kay Aldrin.

Nasa six-digits naman ang ipon goal ni Angelo Malabanan, at plano raw niyang humanap ng extrang mapagkakakitaan para maisagawa ito.

Ang kaniyang ipon, plano naman niyang i-invest din.

“Digital banks ngayon para mag-earn nang mas mataas na interes… emergency funds una, tapos para lang maging financially stable,” paliwanag niya sa kaniyang plano.

Ayon sa financial literacy advocate na si Armand Bengco, mahalaga ang pagkakaroon ng financial plan at goal dahil makatutulong ito para magkaroon ng financial freedom at security ang isang tao.

“Kung alam mo kung ano ang gusto mong maging, yung mga dapat mong gawin, at dapat mong makuha, mas malinaw sa iyo,” ani Bengco.

Para simulan ito, payo ng eksperto, maging specific kung magkano ang target na savings o investment.

Upang hindi rin matulog ang pera, makabubuti umano na mag-invest sa mga lehitimong e-wallet o, mobile wallet, at financial institutions.

“Automate your saving and or your investing. Kasi saving is not enough kailangan palaguin mo yung iniipon mo. So meron nang technology sa mobile app natin na popular…puwede na nga yung sinasabi ko, pagpasok ng pera automatic na ililipat sa pag-iipunan mo at pag-i-investihan [invest] mo,” dagdag ni Bengco.

Makabubuti rin umano kung magkakaroon ng magkakahiwalay na account na nakalaan para sa salary, savings at spending o gastusin gaya ng pambayad ng bills.

“Sa mas maraming pagkakataon na hindi mo hawak yung pera, mas malaki ang tiyansa na hindi ka mag-i-impulsive buying,” paliwanag ni Bengco. — FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*