Traffic enforcer, tumilapon nang salpukin ng sasakyan na puyat umano ang driver sa Bulacan

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Isang traffic enforcer ang sugatan matapos mabangga ng isang multipurpose vehicle na puyat umano ang driver sa Santa Maria, Bulacan.

Sa ulat ni Glam Calicdan-Dizon ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, makikita sa CCTV footage ang biglang pagharurot ng isang multipurpose vehicle.

Ilang saglit lang, nabundol na nito ang traffic enforcer na si Salvador de la Cruz Jr., na nakapuwesto noon sa intersection at nagmamando ng daloy ng trapiko.

Tumilapon ang traffic enforcer sa lakas ng pagkakabangga, at kinalaunan ay dinala sa ospital.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Santa Maria Traffic Management Office na puyat umano ang driver ng MPV na nanggaling sa Maynila.

Dinakip at nahaharap sa kaukulang reklamo ang driver, na tumangging magbigay ng kaniyang pahayag. —Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*