5, nasawi sa magkahiwalay na aksidente sa Ilocos Norte at Quirino

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Lima ang nasawi–kabilang ang isang estudyante– sa magkahiwalay na sakuna na naganap sa Ilocos Norte at Quirino.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Biyernes, sinabing isang 19-anyos na estudyante ang nasawi sa Solsona, Ilocos Norte nang mahulog ang minamaneho niyang kotse sa sapa.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na bumangga muna ang kotse sa nakaimbak na lupa sa gilid ng kalsada bago ito nahulog sa sapa.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Hindi nagbigay ng pahayag ang kaanak ng estudyante.

Samantala, apat naman ang nasawi, at tatlo pa ang nasugatan nang mahulog sa bangin ang isang truck sa Nagtipunan, Quirino.

Sa hiwalay na ulat ng GMA Regional TV, sinabi ng pulisya na batay imbestigasyon ay nagkaaberya sa preno ng truck habang tinatahak ang pababa at papalikong bahagi ng bangin.

Dinala sa ospital ang nakaligtas na mga biktima na nagtamo ng mga sugat.– FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*