Bangkay ng 12-anyos na babae, walang saplot at basag ang bungo nang matagpuan sa Isabela

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Bangkay na nang matagpuan ang isang 12-anyos na babae na halos dalawang araw nang nawawala sa Santiago, Isabela.

Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Lunes, sinabing hinihinalang ginahasa ang biktima dahil wala itong saplot nang matagpuan masukal na bahagi sa gilid ng daan.

Basag din ang kaniyang bungo dahil sa pala ng kahoy at bato.

Naaresto ng pulisya ang isang suspek na sinabi umano na nagawa niya ang krimen dahil binu-bully umano siya ng biktima.—FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*