IV vitamin drip, hindi basta-basta ginagawa sa pasyente ayon sa isang dermatologist

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Pagpapa intravenous drip o, IV drip, hindi basta-basta ginagawa, ayon sa isang dermatologist.

Dapat may tamang assessment sa pasyente at kung maaari may laboratory tests din para malaman kung pwedeng sumailalim sa IV drip ang pasyente, ayon sa dermatologist na si Dr. Jean Marquez.

Ayon kay Dr. Marquez, “Puwedeng may test and pag nakikita naman namin may mga lab sila and then nakikita natin based on a medical symptom questionnaire. Hindi lang asking about allergies, we ask the symptom, we have an organ system questionnaire that we will actually see and when you study the past medical history dapat doon mo nalalaman talaga if he is a candidate or not.”

Kadalasan aniyang ginagamit ito para sa mga may vitamin deficiency at iba pang medical condition. 

Iba’t iba rin aniya ang gamit nito tulad ng pagpapataas ng metabolism, pagpapabuti ng energy production at pagtulog, para itama ang nutrient deficiencies at para idetox ang katawan mula sa mga unwanted toxins at chemicals. 

“Some IV drips are used to increase metabolism, number 2 the others naman to improve the immune system, yung iba naman to improve energy production and of course to relax the muscles, yung iba to improve sleep and of course naman yung iba to correct nutrient deficiencies and also to detox the body from the chemicals or unwanted toxins ng ating katawan,” ayon kay Dr. Marquez. 

Aabot sa 100% rin aniyang naaabsorb ng katawan ang IV kumpara sa pag-inom ng oral supplements. 

“Ang IV kasi it’s hundred percent absorbed and it easily gets absorbed in the body compared to taking oral supplements, the oral suplements kasi needs to be converted pa in the liver and it will be digested in the intestines.”

Kung hindi kasi aniya ma-assess nang tama ang pasyente, maaari itong magdulot ng peligro sa kalusugan lalo na sa mga taong may sakit.

“Pag may kidney disease ka pwede kang maoverload ng drip pwede kang mag congestion and also pag ikaw naman ay nag IV drip with a glutathione if you have what we call enzyme deficiencies pwede rin…dapat contraindicated din yun,” ayon kay Dr. Marquez. 

At kapag mali naman ang pagbibigay nito at hindi malinis ang infusion nito, maaaring magkaroon ng toxin o, bacteria sa katawan ang pasyente na maaaring magdulot ng sepsis.

Maaari rin aniya itong magdulot ng pagkamatay ng pasyente. 

“Pwede rin kasi with an improper administration, or with parang unsterile infusion of the IV drip you can have what we can introduce an endotoxin or a parang toxin or bacteria that can actually circulate in the body and cause a possible sepsis…if not properly administered it can lead to a possible fatality,” ayon kay Dr. Marquez. 

Hindi rin aniya totoo ang claim na pampaganda ang mga IV drips dahil wala aniyang pag-aaral na sumusuporta sa claim na ito. 

“It can be misleading to the patient kasi parang lumalabas dito this is like parang something lang na pampa-beauty. If pampa-beauty ito then kahit na sino pwede ito. but we are actually correcting something in the body that can indirectly or possibly improve the skin.”

kaya naman paalala niya sa mga gustong magpa IV drip, pumunta sa mga lisensyadong clinic na may lisensyadong medical professionals.

Tiyakin din aniya na sabihin ang lahat ng impormasyon tungkol sa iyong medical condition, past medical history at allergies. 

Dapat din daw ginagawa ito sa malinis na lugar. 

“It should be in a sterile environment in fact it should be prepared using gloves, malinis ang area, meron kang parang isang area na parang maliit na lab that’s sterile and then very careful tayo to introduce it ilagay sa bottle na magdi-drip hindi yan basta basta po. Dapat malinis ang paglagay,” ayon kay Dr. Marquez.

Ang nakausap naming online seller na si Agnes Ambo, first time magpapa IV glutathione drip sa isang aesthetic clinic sa Quezon City. 

Sabi ni Agnes, “para maging refreshing yung body ko tsaka tanggal yung mga toxic sa ibang ano ng katawan ko tapos pampa blooming…”

Bago siya sumailalim sa drip, sumagot muna siya sa questionaires tungkol sa kaniyang medical history at consent form. 

Ayon sa may-ari ng clinic na si Shakeys Adame, kadalasan daw ang mga pasyente nila ay yung mga gustong magpaputi o di naman kaya ay may mga PCOS. — BAP, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*