PNP: Pastor Quiboloy, gustong magpa-hospital arrest sa Davao City

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Hiniling umano ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy sa korte sa Pasig City na ma-hospital arrest siya sa Davao City, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa press briefing nitong Biyernes, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, na naghain ng mosyon ang kampo ni Quiboloy sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 159, para sa hospital arrest ni Quiboloy at ng isa pang akusado na si Ingrid Canada.

“Nag-motion din po ang mga abogado po nina Quiboloy na malipat po itong si Quiboloy at Ingrid Canada doon po sa [Veterans Memorial Medical Center] po sa Davao because, accordingly, mayroon po silang mga existing medical condition at nahihirapan po sila sa custodial facility,” ayon kay Fajardo.

Kasalukuyang nakadetine sina Quiboloy at mga kapuwa niya akusado sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City.

Inatasan umano ng hukom ang PNP na ipa-medical checkup sina Quiboloy at Canada sa government doctors.

Habang hinihintay ang resulta ng medical checkup ni Quiboloy, mananatili muna siya sa PNP detention facility.

Ang apat niyang kapuwa akusado, iniutos ng korte na dalhin sa Pasig City Jail.

“Si Pastor Quibuloy po, pending resolution sa kanilang motion to be checked by the medical doctors na ipo-provide ng government, maiiwan muna siya pansamantala sa custodial center,” sabi ni Fajardo.

Hinihintay pa ng GMA News Online ang komento ni KOJC legal counsel Israelito Torreon tungkol sa umanoý hospital arrest na hiniling ni Quiboloy.

Nahaharap si Quiboloy at mga kasama niyang akusado sa mga kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, pati na ang qualified human trafficking.

Naghain naman sina Quiboloy ng “not guilty” plea nang basahan ng sakdal sa korte nitong Biyernes.

May kinakaharap ding kaso si Quiboloy sa Amerika kaugnay ng umano’y conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion and sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and coercion; conspiracy; at bulk cash smuggling.

Nauna nang itinanggi ng kampo ni Quiboloy ang mga paratang.— mula sa ulat ni Joviland Rita/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*