‘Takway’ na tinatawag din na ‘pansit ng bukid,’ masarap at maganda sa kalusugan

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Masarap na, masunstansiya pa ang takway, na itinuturing din na “pansit ng bukid” sa ilang probinsya. Ano nga ba ang tila gulay na ito na mukhang pinagsamang sitaw at tangkay ng kangkong?

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” makikita sa isang palengke sa Iloilo ang nakabugkos na takway na kulay berde, na kayang humaba na kasing-taas ng tao.

Ang takway ay “palutpot” o “runners” ng halamang-ugat o gulay na gabi. Tila tangkay ito na kailangang pitasin bago magka-ugat upang hindi tuluyang maging gabi rin.

Binansagan itong “Pansit ng bukid” dahil tumutubo lang ito kung saan-saan.

Ayon kay Racquel Cordero, Nutrition Officer II, National Nutrition Council, mayaman sa fiber ang takway.

Nakakatulong umano ito na makapagpababa ng highblood pressure at pati na ng blood sugar level.

Bukod dito, nakakatulong din umano ang takway para mapahusay ang digestion at immune system ng tao.

Ang pamilya ni Joan Nicole Barneza sa Passi City, sagana sa gabi ang kalahating ektarya nila ng lupain.

“Abalong [dahon ng gabi]  ‘yung napili namin paramihin dahil nga hindi na namin kailangan bumili pa ng mga seeds. Kukunin mo lang ‘yung mother plant at saka ilipat sa malinis na taniman,” sabi ni Barneza.

Tinatanim nila ito sa isang mabasa-basang lugar. Kapag nasa kalahating metro na ang haba ng takway, maaari na itong anihin. Kung hindi aanihin, tutubuan na ito ng ugat at magiging panibago na namang abalong o gabi.

Maingat din dapat ang pagpitas ng takway dahil kumakapit sa damit at makati sa balat ang dagta nito.

Kada linggo, nakakaani sina Barneza ng 100 kilos ng takway. Naibebenta ang bawat bugkos nito ng P60, at P150 naman kada kilo sa malinis nang takway.

Masarap daw isama ang takway sa gata, gaya ng ginataang alimango.

Si Jennalyn Patubo, nagluluto ng adobong takway na may bagoong alamang na kaniyang ibinebenta.

Sa Davao City, niluluto ang paksiw na takway na may kasamang isdang moro-moro o galunggong, na recipe ng ama ni Janise Bandico na si Pedro.

“Sa bukid kasi wala masyadong mabibiling ulam. Kaya kapag may takway kami, yun ang niluluto ng papa ko. Kailangan mo siya talagang tanggalin yung balat para malinis. Inauna yung takway sa paglagay para maluto siya nang maayos,” sabi ni Bandico.

Paano nga ba ang tamang pagluluto ng takway para hindi maging makati sa labi kapag kinain? Panoorin ang buong istorya sa video.–FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*