Magkaibigan, naging libangan ang mag-alis ng mga basura sa mga estero

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

May kakaibang trip ang isang magkaibigan sa Laguna, na sa halip na mag-inuman, ang pag-aalis ng mga basura sa estero ang naging libangan nila.

Sa kuwentong “Dapat Alam Mo!” itinampok ang magkaibigang sina Russel Holanda, isang factory worker at Owen Garcia, isang kargador, sa San Pedro.

Sinimulan ni Garcia ang paglilinis ng mga estero sa kanilang lugar noong Pebrero 2023.

“Kapag umuulan po nakikita namin ‘yung mga sanhi ng mga pagbaha talaga, ‘yung mga basura po,” sabi ni Garcia.

Kaya naman humingi ng tulong at isinama ni Garcia ang kababata niyang si Holanda.

Magmula nito, nag-iikot na ang magkaibigan sa lungsod upang silipin ang mga estero na puno na ng basura.

Kalaunan, itinampok na rin nila sa vlog ang kanilang mga cleanup project, upang mahikayat ang netizens na itapon nang maayos ang kanilang mga basura.

Nakakukuha rin sila ng mga tip sa social media kung saang mga estero at iba pang lugar na may tambak ng basura.

“Voluntary lang po talaga namin ‘yung ginagawa,” sabi ni Garcia.

Noong magsimula sila sa paglilinis, wala silang mga kagamitan gaya ng gloves at jumper.

“Minsan may mga nakukuha kami na patay na hayop,” sabi ni Holanda.

Ngunit ayon sa general physician na si Dra. Via Roderos-Galban, lubhang mapanganib ang paglusob nina Garcia at Holanda sa mga estero.

“Kapag may mga sugat sa katawan or opening sa katawan natin, we are more at risk of diseases such as leptospirosis, hepatitis or other parasitic diseases,” sabi ni Galban.

Ngunit dahil sa mga mabubuting loob, nakatanggap sina Garcia at Holanda ng mga donasyon gaya ng jumpsuit at guwantes para makapaglinis, pala, at iba pang pandakot.

Nagawa na rin ng dalawa na mag-ikot sa mga estero mula sa San Pedro hanggang sa Albay sa Bicol sa loob ng isang linggo.

Ang mga naiipon nilang basura, inihihiwalay nila ang mga napapakinabangan o maibebenta para mapakinabangan ng mga naghahakot ng basura. — FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*