Lalaking ilang buwan pa lang nakakalaya, balik-kulungan matapos maaresto sa drug ops

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Timbog sa ikinasang drug buy-bust operation ng pulisya ang isang lalaki sa loob ng isang bahay sa Barangay Pasong Putik Novaliches, Quezon City. 

Nakuha mula sa 32-anyos na suspek ang nasa 40 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P272,000.

“Minanmanan natin itong suspect ng mga two weeks and napatunayan natin na talagang engaged siya sa pagtutulak, ikinasa na natin itong buy-bust operation,” ani Police Lt. Col. Geoffrey Lim, ang station commander ng Pasong Putik Police. 

Ayon sa pulisya, malakihan ang operasyon ng suspek sa area ng Novaliches. 

“Ayon sa investigation yung kanyang mode of payment ay through online payment, [yung transaksyon] hindi pa natin masabi kung face to face o online pero most probably pareho – hybrid,” dagdag ni Police Lt. Col. Lim. 

Kalalaya lang noong Abril ng suspek dahil sa kasong illegal posession of firearms.

Taong 2017 naman nang makasuhan siya nang may kinalaman sa illegal na droga.

“Walang pong katotohanan sir,” tugon ng suspek nang tanungin kaugnay sa kanyang pagkakaaresto. 

Mahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.  — BAP, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*