7 dalagita nagsabunutan sa isang plaza sa Iloilo

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Makikita sa isang video na nagsapakan at nagsabunutan ang dalawang dalagita sa isang plaza sa Leon, Iloilo ayon sa ulat ng GMA Regional TV sa “State of the Nation.”

Biglang sumunggab ang isang babae at nakisabunot din. Natumba ang naka white shirt na babae at pinagtulungan siyan sabunutan ng iba pa.

Sangkot sa gulo ang pitong estudyanteng mga menor de edad pa.

Ayon sa women and children protection desk ng Leon police, may hindi raw pagkakaintindihan ang mga dalagita at nagkapikunan.

Pinatawag sila ng pulisya at Municipal Welfare and Development Office. Nagkaareglo na sila at sasailalim sa counseling. — BAP, GMA Integrated News

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*