Delivery rider, nahuli-cam na nagnanakaw ng nakataling manok sa tabi ng kalsada

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nasapul sa CCTV na hindi nag-deliver ng package, kundi nagnakaw ng nakataling manok ang isang delivery rider sa tabi ng kalsada sa Cebu City.

Sa isang contributed video ng GMA Regional TV, na iniulat sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, mapanonood ang delivery rider na huminto sa tabi ng kalye at tila nagmasid sa paligid.

Ilang saglit pa, tumabi siya sa isang nakataling manok, kinuha ito saka isinilid sa delivery box.

Matapos nito, mabilis na tumakas ang rider, na hindi nakilala dahil sa suot niyang helmet.

Walang taong nakakita sa krimen dahil wala sa bahay ang may-ari ng manok.

Plano ng may-ari na ipa-blotter ang insidente.

—JAMIL SANTOS/ VAL, GMA Integrated NEWS

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*