Babaeng Negosyante, Patay sa Pamamaril Sa Candelaria, Quezon

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

CANDELARIA, Quezon — Dead on the spot ang isang 41-anyos na babaeng negosyante matapos itong malapitang barilin sa Barangay Malabanban Norte, Candelaria, Quezon nitong Sabado.

Base sa report ng Candelaria Municipal Police Station, sakay ng motorsiklo ang biktima habang papasok ito sa kanyang trabaho. Nang huminto raw ang sinasakyan nito ay lumapit ang suspek at pinaputukan ang babae.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre .45 ang biktima na agad ikinasawi nito.

Agad raw na tumakas ang suspek matapos maisagawa ang pagpatay.

Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang Candelaria Municipal Police Station upang matukoy ang motibo at malaman kung sino ang nasa likod ng pagpaslang.

Inaalam rin ng pulisya kung may kinalaman sa negosyo g pagpapautang ng suspek ang dahilan ng krimen.

Pinag aaralan narin ang kuha ng CCTV sa lugar. —RF, GMA Integrated News

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*